Sunday, November 29, 2009

gadgets - my portable external drive


Western Digital (WD)



my new portable external drive is amazing. i can store a lot of pictures here. i have more than 20000 photos. Thank you, technology.

Saturday, November 28, 2009

little cravings :)

i miss shopping
i need my girlfriends very badly.
shopping anyone?
i need skinny jeans
dresses :)
gowns maybe?
heels!
flats :))
more importantly, FOOD!
..i'm terrified kaya naiisip ko yan mga yan haha.. malling.. had dinner at bacolod inasal.. chicken as usual.. haha..


Friday, November 27, 2009

crossroads 77

deux jours avant notre examen de conseil.. and this is our last day at cross roads.. but this will not be the end for all of us.. maybe next time we'll meet again, esp the people and friends that they became part of mylife.. the memories of evryone, tawanan, kulitan, tampuhan, asaran, gaguhan etc.. hayy, mamimiss ko talaga to..

Thursday, November 26, 2009

prayers for the maguindanao massacre

In the late afternoon, here we come, all of us lighted a candle.. In sympathy to the 50+ victims of the Maguindanao Massacre, we come in white uniform and pray for the peace in our country and light candles.. We cannot close our eyes to that menace of our history and in prayers, we join in the country mourning..

.

Friday, November 20, 2009

twilight - finally..

here we come, my friend Eloi and me, went to Trinoma to watch a movie "Twilight Saga New Moon" coz tonight's gonna be a good night wooohh!!! OMG, there was so many people waitin and watched till midnight. Soo exciting!

i am so glad i watched New Moon..it was awesome..couldn't stop talking about it.. Kristen Stewart is the ONLY disappoinment here..terrible at emotional expressions and voice still made parts shitty corny..Edward, at least improved somewhat..shame but true how the main characters and the most celebritized persons are the worst actors here.

how twilight should have ended? or better yet, "how twilight should have started".

Wednesday, November 18, 2009

i am dying to see E. C.

i would like to watch Eclipse to see my Edward Cullen :) i only i can watch it on my own. why not? These past few days been busy day dreaming with my lover Edward. hehe.. last week during the SR, me and my girls plan to go to the cinema and we did. but then we need to do something important because we were accompanied with some friend which doesn't like vampires. now i need to plan again when we can go to the cinema just me and my girls.. hehe..


Monday, November 16, 2009

Cross..

Our first day today anyways.. so, have to wake up early.. excited, happy, but despite of that have something in my mind.. basta, yun na yun.. at last, nakahabol din.. to be continued..

Wednesday, November 11, 2009

libro ni bob ong

>>some excerpts from the book


SAMPUNG PALATANDAAN NA BORED AT MALUNGKOT KA:

10. Nakikipagkwentuhan ka muna ng mga dalawang oras gabi-gabi bago matulog. Sa sarili mo.
9. Pagkatapos ng kwentuhan, naglalaro ka ng solitaire.
8. Pagkatapos ng solitaire, nagbabasa ka ng Yellow Pages.
7. Pagkatapos magbasa, gumagawa ka ng mga gasgas na Top Ten List na tulad nito.
6. Hindi mo tinatapos ang mga Top Ten List na naisip mong gawin

***

"Hindi lahat nabibigyan ng pagkakataong magsulat. Hindi lahat nabibigyan ng boses sa papel. ....Kaya di dapat sayangin ang pribilehiyo na mailapat ang isip sa isang babasahin. Kung may pagkakataon ka na gawin ito -- pusanggala, ipayakap mo ang buong papel sa sariling salita! Wag na wag mo tong patatapakan sa iba. Angkinin mo ang bawat sulok ng espasyo na ipinagkatiwala sa 'yo. Dahil hindi ka nadadagdagan sa paggamit sa mga sulating hindi mo gawa, nananakawan ka lang ng napakahalagang punasan ng tinta."

***

"Hindi man lahat ng mamamahayag e manunulat, marami pa ring tao ang nagbuwis ng buhay o dumaan sa matinding paghihirap dahil sa mga isinulat nila. Kaya yata nauso ang alias. Kahit sa mga pipitsuging libro ko, nalaman kong kailangan pala talaga ng bayag para makapagsulat ka. Dahil sa pagsusulat, masasagi mo ang matatayog na egotismo ng ibang tao. Matatapakan mo ang mga lumpong paa ng kasalukuyang sistema. At maiistorbo mo ang siesta ng lipunang masaya na sa mga paniniwalang kinagisnan nito. Sa pagpahid ng utak mo sa papel, lahat yan babanggain mo. Kasabay ng pagbangga mo sa sariling mga takot, kamangmangan at egotismo. Hahadlangan ka ng sarili mong mga kakulangan, huhusgahan ka ng mga mambabasa, hahatulan ka ng mga kritiko. Walang takbuhan, walang taguan, wala kang kawala. "

***

"Hindi para sa tamad ang pagsusulat. Araw-araw may shootout ang manunulat at ang suki niyang demonyo. ... may riot ang mga prinsipyong nasungkit n'ya noong isang araw at yung mga pilosopiyang napulot n'ya noong mga nagdaang dekada"

***

"Dahil tulad ng internet at text messages, sa mga pinagdugtong-dugtong na salita rin nakikita ang taong sumusulat ng mga libro. ...higit pa yon sa pakikipagkamayan."

***

"Ang maganda sa pag-asa, hindi 'to nakukuha sa 'yo nang hindi mo gusto"

***

"..kahit gago pwedeng gumawa ng mabuti. Hindi bawal yon. ...yung ang isang malaking kalokohan sa mundo ngayon: ang pag-aakala ng mga tao na kailangan mo munang maging mabuti para bumagay sa 'yo ang paggawa ng kabutihan. "

***

"The impulse to keep to yourself what you have learned is not only shameful, it is destructive. Anything you do not give freely and abundantly becomes lost to you. You open your safe and find ashes." Annie Dillard (The Writing Life)

***

"Nangangarap ang tao dahil binigyan siya ng Diyos ng kakayanang mangarap at tumupad nito. Tungkulin n'yang pagbutihin ang pagkatao n'ya at mag-ambag ng tulong sa mundo. At wala na s'yang iba pang magagawang mas malaking kasalanan sa sarili bukod sa talikuran ang tungkuling yon.."

***

"Ayos lang lumaki nang lumaki, magpatangkad at tumanda nang walang natututunan - kung puno ka! Pero bilang tao, may karne sa loob ng bungo mo na nangangailangan ng sustansya. Maraming pagkakataong kakailanganin mong sundutin yon. At sa bawat sundot, tulad ng sundot-kulangot, mas maigi kung may kapaki-pakinabang kang makukuha."







PAG-IBIG

"Kung hindi mo mahal and isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya.."

"Lahat naman ng tao sumeseryoso pag tinamaan ng pagmamahal. Yun nga lang, hindi lahat matibay para sa temptasyon."

"Gamitin ang puso para alagaan ang taong malapit sayo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo." "Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba."

"Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang."

"Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na."

"Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin."

"Kung maghihintay ka nang lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo.. Dapat lumandi ka din."

"Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang."

"Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa."

"Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka.. Kaya quits lang."

"Bakit ba ayaw matulog ng mga bata sa tanghali? alam ba nilang pag natuto silang umibig e hindi na sila makakatulog kahit gusto nila?

"Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kundi ang pagtanggap na sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasama ka."
"Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lang yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!"

PAG-AARAL

"Mag-aral maigi.. Kung titigil ka sa pag-aaral, manghihinayang ka pagtanda mo dahil hindi mo naranasan ang kakaibang ligayang dulot ng mga araw na walang pasok o suspendido ang klase o absent ang teacher. (Haaay, sarap!)."

"Nalaman kong marami palang libreng lecture sa mundo, ikaw ang gagawa ng syllabus. Maraming teacher sa labas ng eskuwelahan, desisyon mo kung kanino ka magpapaturo. Lahat tayo enrolled ngayon sa isang university, maraming subject na mahirap, pero dahil libre, ikaw ang talo kung nag-drop ka. Isa-isa tayong ga-graduate, iba't-ibang paraan. tanging diploma ay ang mga alaala ng kung ano mang tulong o pagmamahal ang iniwan natin sa mundong pinangarap nating baguhin minsan..."

"Hikayatin mo lahat ng kakilala mo na magkaroon ng kahit isa man lang paboritong libro sa buhay nila. Dahil wala nang mas kawawa pa sa mga taong literado pero hindi nagbabasa."

"dalawang dekada ka lang mag-aaral. kung 'di mo pagtityagaan, limang dekada ng kahirapan ang kapalit. sobrang lugi. kung alam lang 'yan ng mga kabataan, sa pananaw ko ehh walang gugustuhing umiwas sa eskwela."

BUHAY (IN GENERAL)

"Iba ang walang ginagawa sa gumagawa ng wala."

"Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala."

"Ayokong nasasanay sa mga bagay na pwede namang wala sa buhay ko."

"Masama akong tao, tulad mo, sa parehong paraan na mabuti kang tao, tulad ko."

"Kumain ka na ng siopao na may palamang pusa o maglakad sa bubog nang nakayapak, pero wag na wag kang susubok mag-drugs. Kung hindi mo kayang umiwas, humingi ka ng tulong sa mga magulang mo dahil alam nila kung saan ang mga murang supplier at hindi ka nila iisahan."

"Wag magmadali sa pag-aasawa. Tatlo, lima, sampung taon sa hinaharap, mag-iiba pa ang pamantayan mo at maiisip mong di pala tamang pumili ng kapareha dahil lang sa kaboses niya si Debbie Gibson o magaling mag-breakdance. Totoong mas importante ang kalooban ng tao higit anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan sa eskwelahan e nagmumukha ring pandesal. Maniwala ka."

"Hindi dahil sa hindi mo naiintindihan ang isang bagay ay kasinungalingan na ito. At hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohanan. "

"Sabi nila, sa kahit ano raw problema, isang tao lang ang makakatulong sa'yo – ang sarili mo. Tama sila. Isinuplong ako ng sarili ko. Kaya siguro namigay ng konsyensya ang Diyos, alam niyang hindi sa lahat ng oras e gumagana ang utak ng tao."

"Nalaman kong hindi final exam ang passing rate ng buhay. Hindi ito multiple choice, identification, true or false, enumeration or fill-in-the- blanks na sinasagutan kundi essay na isinusulat araw-araw. Huhusgahan ito hindi base sa kung tama o mali ang sagot, kundi base sa kung may kabuluhan ang mga isinulat o wala. Allowed ang erasures."

"Mangarap ka at abutin mo. Wag mong sisihin ang sira mong pamilya, palpak mong syota, pilay mong tuta, o mga lumilipad na ipis. Kung may pagkukulang sa'yo mga magulang mo, pwde kang manisi at maging rebelde. Tumigil ka sa pag-aaral, mag-asawa ka, mag-drugs ka, magpakulay ka ng buhok sa kili-kili. Sa banding huli, ikaw din ang biktima. Rebeldeng walang napatunayan at bait sa sarili."

"Tuparin ang mga pangarap. Obligasyon mo yan sa sarili mo. Kung gusto mo mang kumain ng balde-baldeng lupa para malagay ka sa Guinness Book of World Records at maipagmalaki ng bansa natin, sige lang. Nosi balasi. wag mong pansinin ang sasabihin ng mga taong susubok humarang sa'yo. Kung hindi nagsumikap ang mga scientist noon, hindi pa rin tayo dapat nakatira sa jupiter ngayon. Pero hindi pa rin naman talaga tayo nakatira sa jupiter dahil nga hindi nagsumikap ang mga scientist noon. Kita mo yung moral lesson?"

"Nalaman kong habang lumalaki ka, maraming beses kang madadapa. Bumangon ka man ulit o hindi, magpapatuloy ang buhay, iikot ang mundo, at mauubos ang oras."

"Obligasyon kong maglayag, karapatan kong pumunta sa kung saan ko gusto, responsibilidad ko ang buhay ko."

Sunday, November 8, 2009

faith - OLOMP






candles



wishing well



Mama Mary













Me and my friends, Eloisa and Randel had planned one week ago to go to Our Lady of Manaog in Pangasinan. It was my first time at Our Lady of Manaoag in Pangasinan. My family used to attend masses every Sunday esp in our province (Cagayan) the church is our neighbor. This is consider as a miraculous church. Galing kami sa Manila so it takes 12 hours to go there by bus. We love to buy candles and offer our prayers too. There are plenty of religious items that are for sale and with very affordable prices too, actually we bought one.After every masses, the priest will bless all the people who gather in front of the altar. And there is also a place where people put all their items that they bought and the priest will come later and bless those items.

Blog Archive

MEM'RIES

Clock